At sabi naman ng isang Katoliko: "Bakit mag Iglesia ni Cristo pa kaming mga katoliko, na batay sa history, ang iglesia ni Cristo ng bibliya at ang iglesia katolika ay iisa lang ito."
Patunay:
Batay sa history, iisa lang ang tunay na Church of Christ at ang Iglesia Katolika. Dahil ang Iglesia ni Cristo ng bibliya, tinawag itong Catholic ayon sa sulat ni Obispo Ignacio noong 110 AD. Ibig sabihin iisa lang ang tunay na iglesia ni Cristo at ang iglesia katolika. Dahil ang tinawag na katolika ay ang iisang iglesia ni Cristo man din. Katulad halimbawa ni Simon ng bibliya, tinawag siya ni Cristo ng Pedro, hindi man naging dalawang magkaibang tao si Simon at Pedro. Iisa lang si Simon at Pedro, kahit na tinawag siya sa ibang pangalan. Ganon din ang tunay na iglesia ni Cristo, tinawag itong katolika, ibig sabihin iisa lang ang iglesia ni Cristo at katolika. At saka ang tunay na iglesia ni Cristo ay nagsisimula sa Jerusalem noong 33AD (Lukas 24:47), at hindi sa Pilipinas noong 1914.
Ito ang katibayan batay sa Standard References:
The history of the Roman Catholic Church began in an upper room in Jerusalem almost 2,000 years ago. About 120 persons were gathered there. They were followers of Jesus Christ, and they were awaiting the coming of the Holy Spirit he had promised to send them from heaven. The day on which the Holy Spirit came down is considered the birthday of the Church. (The New Book of Knowledge Vol.16 page 287)
Catholic Church (Gr. katholikos, universal, general). Term generally applied to the Divine society founded by Jesus Christ, and endowed by the outpouring of the Holy Ghost on the day of Pentecost. (Grolier Encyclopedia Vol.5 page 106)
Kaya iisa lang talaga ang tunay na iglesia ni Cristo ng bibliya at iglesia katolika.
At ang tunay na iglesia ni Cristo, ay si Cristo ang Founder nito, hindi si Felix Manalo.
Ang Iglesia ni Cristo na mababasa sa mga librong katoliko na palaging ginagamit at inaangkin ng mga Ministro ng INC-1914, ay Katoliko na Iglesia yan ang ibig sabihin ng mga Pari. Dahil iisa lang ang Iglesia ni Cristo ng bibliya at ang Iglesia Katolika.
Katulad din yan halimbawa, ni Saul ng bibliya. Tinawag din siya na Pablo. Hindi natin pweding sasabihin na dahil tinawag siya na Pablo, ay maging dalawang magkaibang tao na si Saul at Pablo. Iisa lang si Saul na naging Pablo, dahil ang tinawag na Pablo ay iisang tao lang si Saul.
Katulad din yan sa akin. Tinawag akong Cielbert. Tinawag din akong Bobby at Veritas. Hindi ako naging tatlong magka-ibang tao, ng tinawag ako sa tatlong magka-ibang pangalan na iyan, iisa lang ako. Dahil iisang tao lang ang tinawag sa tatlong magka-ibang pangalan na iyan.
Ang Iglesia ni Cristo ng bibliya, tinawag ito ni Obispo Ignacio ng Catholic noong 107-110 AD. Ibig sabihin basi sa logic sa itaas, iisa lang ang tunay na Iglesia ni Cristo at ang Iglesia Katolika. Hindi po ito dalawang magkakaibang iglesia.
Ang ginawa ni Obispo Ignacio, ay parang katuparan lang sa pahayag ng Panginoong Jesu Cristo sa Mark 11:17, na tatawagin itong, "OF ALL NATIONS," ibig sabihin, Universal o Catholic.