veritas899 - Cielbert A. Dondoyano, Sr., CFA - Web
  • Home
  • My Archives
  • Catholic Love
  • Photo Gallery
  • Dipolog TV
  • My Blog
  • Catholic Answers Live
  • Notes & Links on RH-Bill

Trinity - Jesus is God?

12/7/2015

0 Comments

 
Picture
John 8:58 New International Version (NIV)

58 “Very truly I tell you,” Jesus answered, “before Abraham was born, I am!”

Kung hindi Dios si Cristo, ano ang kalagayan niya, before Abraham?

Sabi ng INC: "Hindi pa existido ang kalagayan ni Cristo, before Abraham. Dahil, hindi pa existido ang persona niya. Naging existido lang ang persona niya na tao ng ipinanganak na siya sa bagong tipan. Kaya, before Abraham, PLANO lang ang kalagayan ni Cristo, at hindi Dios."
​

Sagot Katoliko: Hindi mabasa sa bibliya na before Abraham PLANO lang sa kalagayan si Cristo. Persona niya mismo existido na. Malinaw, "before Abraham was born, I AM." I am, means existido na ang persona. Pero, ang pagka-Tao na kalagayan, yes plano, dahil, before Abraham, hindi pa nagkatawang tao ang persona ni Cristo. Malinaw, na ang kalagayan ng persona (I AM) before Abraham ni Cristo ay, DIOS, KASAMA NG AMA (John 1:1-2).
​__________


Genesis 1:26 New International Version (NIV)

26 Then God said, “Let us make mankind in our image, in our likeness, so that they may rule over the fish in the sea and the birds in the sky, over the livestock and all the wild animals, and over all the creatures that move along the ground.”

Sabi ng INC sa talatang ito, mga anghel daw ang kasama ng Dios Ama, sa paglalang niya sa tao. Totoo kaya ito?

Tandaan, isa ito sa mga talata ng bibliya, ang ginamit nating mga katoliko, na hindi iisa lang ang PERSONA sa iisang Dios. Dahil, ang sinabi ng Dios, sa talatang ito, "Let US make mankind..." Ibig sabihin, may KASAMA siya na isa ding CREATOR, na katulad niya.

Maaring sa panahong ito may mga anghel na. Pero, ang tanong, mga anghel ba ang kasama ng Dios, sa paggawa niya sa tao o sa mundo? Take note: Ang kasama ng Dios dito, sa talatang ito, nagpahiwatig na isa ding CREATOR. Ang anghel ba ay creator? Hindi, ang Dios lang ang CREATOR. Kaya, hindi ang mga anghel ang tinutumbok ng Dios sa talatang ito, na mga kasamahan niya sa paglalang niya sa tao o sa mundo.

Kung hindi ang mga anghel, sino, o sino-sino ang tinutumbok ng Dios Ama, na mga kasamahan niya sa paglalang, sa talatang ito?

Hindi ang mga anghel, dahil, hindi sila mga creator. Ang Dios lang ang creator. Ang sabi sa talata, "Let US make mankind," ibig sabihin, isa ding creator o mga creator ang kasama ng Dios dito. Malinaw sa talatang ito, na hindi lang iisa, ang persona, sa iisang Dios. Dahil, ang mga kasamahan niya dito, ay creator o mga creator din. Ibig sabihin, Dios din ang kasama ng Dios dito. Sino o sino-sino sila?

John 1:1-3 Living Bible (TLB)

1-2 Before anything else existed, there was Christ (the Word), with God. He has always been alive and is himself God. 3 He created everything there is—nothing exists that he didn’t make. {Creator}

Job 33:4 Living Bible (TLB)

4 For the Spirit of God has made me, and the breath of the Almighty gives me life. {Creator}

Conclusion:

Ang kasama ng Dios Ama, na Dios din, dahil, creator din. Ay wala pong iba kundi, Christ and the Holy Spirit. So tama pala, ang aral katoliko, na sa iisang Dios, may TATLONG PERSONA. Ama, Anak at Espiritu Santo.

Ang 3, pangalan ng Ama, Anak at Espiritu ay binanggit din sa pagbibinyag (Mateo 28:19)
__________

Nang sinabi ba ng bibliya, na wala ng katulad na Dios, ang Ama. Kabilang ba ang ating Panginoong Jesu Cristo nito na hindi katulad sa Ama, na Dios?

Hindi kabilang si Cristo ang tinutumbok nito na hindi katulad sa Ama na Dios. Dahil, malinaw ang tinutumbok ng bibliya, kung sino-sino ang mga hindi katulad sa Ama na iisang Dios (Creator). Ang mga dios-dios o mga false gods ang tinutumbok nito. Sila ang hindi katulad sa Ama na Dios. At tayo ding mga anak ng Dios na tinawag ding gods (Psalms 82:6) kabilang din tayo na hindi matulad sa pagka-iisang Dios (Creator) sa Ama.

Patunay:

Psalm 86:8 New International Version (NIV)

8 Among the gods there is none like you, Lord;
no deeds can compare with yours.

Pero, ang pagka-Dios ni Cristo na iisa sa pagka-Dios ng Ama, ay MAGKAKATULAD.

Patunay:

John 1:1-2 Living Bible (TLB)

1-2 Before anything else existed, there was Christ (the Word), with God. He has always been alive and is himself God.
​
John 1:18 Good News Translation (GNT)

18 No one has ever seen God. The only Son, who is the same as God and is at the Father's side, he has made him known.
__________

​
Sabi ng INC, hindi daw Dios ang Panginoong Jesus Cristo. Dahil daw, sabi ni Cristo, sa Juan 17:1-3, na ang Ama LANG daw ang Dios.

Ang ating kibo o sagot naman niyan ay ganito:

Tandaan, hindi sinabi ni Cristo sa mga talatang Juan 17:1-3, na hindi siya Dios, ng dahil lang na sinabi niya, na ang Ama lang ang Dios. Dagdag na sa pag-iisip ng tao, kung sasabihin niya, na, "hindi Dios si Cristo," ng dahil lang na sinabi niya na ang Ama lang ang Dios. Dahil, malinaw na walang ganong unawa ang mga apostol noon na ganyan. Hindi talaga mababasa sa loob ng bibliya, na "hindi Dios si Cristo." Sa Pasugo magazine lang ng INC, mababasa na hindi Dios si Cristo. Sa bibliya, ay walang ganon na sinabi.

Isa pa sa dapat nating isaisip kung ganyan ang pahayag. Sa Lukas 18:19, sabi ni Cristo, "bakit nasabi ninyo na ako ay MABUTI." Ang Amang Dios LANG ang mabuti. Ngayon, kung ating gamitin ang unawa na INC sa pahayag ni Cristo sa talatang ito, ibig ba sabihin ni Cristo, na hindi siya talaga mabubuti? Ng dahil lang na nasabi niya na ang Ama lang niya ang mabuti? Ang ibig ba niyang sabihin na isa siyang masasama, dahil, ang Ama lang ang mabuti?

Isa sa mga KATANGIAN ng isang tunay na mabututing tao, ay yong HUMILITY o MAPAKUMBABANG ugali niya.

May mga pagkakataon, na hindi masama ang hindi pagsasabi ng tunay na kalagayan ng isang tao, kung nanaig sa ugali niya ang pagpakumbaba. Halimbawa, may isang magagandang babae. Pero, ng dahil sa mapakumbabang ugali niya, hindi kailanman sinabi niya na isa siyang maganda. Ang sabi pa niya, si Mother Mary LANG ang magaganda. Ngayon, ang sinabi ba ng mapakumbabang babaeng ito, ay dapat ba nating intindihin na isa siyang sinungaling? Dahil, totoo naman talagang isa siyang maganda? O ang tamang pag-uunawa ba nito, ay pinapakita lang niya ang ugaling kristiano, na isang mapakumbaba?

Sa 1 Corinto 8:6, ang sabi, si Cristo ang ONE LORD o iisang Panginoon. Ngayon, kung intinding INC ang ating gagamitin sa pag-uunawa nito, ibig ba sabihin nito, ay HINDI LORD o PANGINOON ang Dios Ama, dahil, ang sabi, si Cristo LANG (iisa) ang LORD o Panginoon?

Sabi ng Bibliya, si Cristo ay Dios na nagkatawang tao:

John 1:1-2 Living Bible (TLB)

1-2 Before anything else existed, there was Christ (the Word), with God. He has always been alive and is himself God.

John 1:14 Living Bible (TLB)

14 And Christ (the Word) became a human being and lived here on earth among us and was full of loving forgiveness and truth. And some of us have seen his glory—the glory of the only Son of the heavenly Father!


John 1:18 Good News Translation (GNT)

18 No one has ever seen God. The only Son, who is the same as God and is at the Father's side, he has made him known.



1 John 5:20 
New International Version (NIV)

20 We know also that the Son of God has come and has given us understanding, so that we may know him who is true. And we are in him who is true by being in his Son Jesus Christ. He is the true God and eternal life.


1 John 5:20 Revised Standard Version (RSV)

​20 
And we know that the Son of God has come and has given us understanding, to know him who is true; and we are in him who is true, in his Son Jesus Christ. This is the true God and eternal life.



__________
0 Comments

    Author

    I'm a Cebuano Visaya Roman Catholic Faith Apologist.

    Welcome to my site blog. Please, leave your messages, remarks or comments here.

    Pax Romana

    Archives

    August 2018
    February 2018
    January 2018
    May 2017
    April 2017
    July 2016
    June 2016
    March 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015
    July 2015
    May 2015
    March 2015
    February 2015
    January 2015
    March 2012
    February 2012
    January 2012
    July 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    November 2010
    July 2010
    May 2010
    February 2010

    Categories

    All

    RSS Feed

Powered by Create your own unique website with customizable templates.