Ano ang masasabi ko sa panawagang: "Catholic faith apologists (defenders) should act NOW against divorce..."
Pananaw ko:
Big YES! ako sa panawagang ito. Pero, mahihirapan tayo nito kung marami ang hindi naniniwala sa authority ng SIMBAHAN. Maybe they don't believe the authority of the church because we failed to defend it. If our preaching is not convincing to them. How can we influence them?
At isa sa mga dahilan kung bakit nawawala ang trust ng karamihan sa authority ng simbahan. Dahil ginawa nilang dahilan ang mga SCANDAL sa loob mismo nito. Hindi na sila marunong mag-qualify kung ano ang dapat paniwalaan. Nadadamay ang mga tamang aral ng simbahan. Dahil natatabunan ito ng DISTRUST sa mga namumuno nito.
Isa ding dahilan kung bakit nawawala ang trust ng marami sa simbahang katoliko. Nang napapabayaan ng simbahan ang pasasagot sa mga tuligsa ng iba-ibang mga relihiyon. May kasabihan kasing, "ang kasinungalingan kung ito'y palaging uulitin at hindi nasasagot o naiituwid, ay magmukhang tama sa mga taong hindi nakakaalam kung paano ito sasagotin ng tama." Ibig sabihin, may mga tao ngayong nag-iisip, na, paano daw kailangang papaniwalaan ang katoliko, kung ito'y MALING RELIHIYON! Ang nangyayari, mga tamang aral ng katoliko, sa mga paningin ng iba ito daw ay mga MALI. Natutupad ang sinabi sa bibliya na, "ang tama ginawang mali, at ang mali ginawang tama (Isaias 5:20).
Sa mga panahon ngayon parang ang naghahari ay ang RELATIVISM. Paniwalang walang absolute truth. Accepted daw ang iba-ibang version ng katotohanan. Kahit na kontra-kontra o nagsa-salungatan ang mga ito. Kaya dapat ibalik muna ang PAGHAHARI ng ABSOLUTISM sa kokote ng mga tao. Dapat mamumulat ang karamihan na ang MAGISTERIUM ng Simbahan ay siyang tinig ng Dios dito sa lupa (Luke 10:16).
Nasa bibliya o ano ba ang, Magisterium?
Ang salitang Magisterium ay katulad sa salitang Trinity, na parehong hindi mababasa sa bibliya letra por letra. Naniniwala tayo sa Holy Trinity, hindi dahil sa salitang Trinity. Naniniwala tayo sa Trinity, dahil, ang pinangalanan o tinawag sa salitang ito ay nasa bibliya. Ang Ama, Anak at Espiritu Santo, na iisang Dios (Matthew 28:19, John 10:30). Ganoon din ang salitang Magisterium. Naniniwala tayo nito, hindi dahil, sa salita, kundi, dahil ang ibig sabihin nito ay nasa bibliya. Ang salitang magisterium ay galing sa salitang latin, na, "magister," na ang ibig sabihin ay teacher o guro. Ang kahulogan sa salitang magisterium ay, "SAMAHAN NG MGA GURO," o the, "TEACHING CHURCH," na pinadala ng Panginoon (John 20:19-23).
Kaya ang unang MAGISTERIUM ng simbahan ay ang samahan ng mga apostol. Dahil ang samahan ng mga apostol ang unang "SAMAHAN NG MGA GURO."
Dapat ba tayong maniniwala sa samahan ng mga guro (magisterium)?
Dapat tayong maniniwala sa kanila (Luke 10:16, Matthew 18:17).
Kung naniniwala tayo sa Supreme Court ng Gobyerno ng tao, mas maniniwala tayo sa Magisterium, dahil, sila ang Supreme Court sa simbahan ng Dios dito sa lupa (Matthew 18:17). At ang dagdag pa nito, ang simbahan ay ang "Pillar at Foundation of Truth" (1 Tim 3:15).
Sino ang Magisterium sa ating panahon ngayon?
Ang unang Magisterium ay ang "SAMAHAN ng mga Apostol noon." At sa ating panahon ngayon ay "samahan ng mga obispo/cardinal."
Bakit ang mga obispong katoliko ang tunay na Magisterium (samahan ng mga guro) sa ating panahon ngayon? At paano sila binubuo?
Ang Supreme Court ng Goberno ay hinango sa Magisterium ng simbahang katoliko. Bakit? Ang Magisterium ay binubuo ng mga obispo at isang Chief Head, ang Pope. Ganon din ang Supreme Court ng goberno, binubuo ito ng mga justices at isang Chief Justice. Ang Pope batay sa history, ito ang tungkulin ni Pedro. At ang mga obispo tungkulin ito ng ibang mga apostol. Sabi kasi sa bibliya, kung ang TUNGKULIN (office) mabakante, kailangang may susunod o papalit nito (Acts 1:20).
Dami kasing mga katoliko ang selective lang sa mga aral ng simbahan. Paniwala kasi nila na hindi kailangang tutuparin lahat ang mga aral ng simbahan. Ang iba pa sa kanila naniniwala na may mga aral ng simbahan ang hindi na applicable sa ating panahon ngayon. So dapat tayong mga apologist uunahin muna natin ang foundation sa ating paniwala. Pasiglahin muna natin ang paniwala na ang true church ay hindi maaring magkakamali sa mga aral niya. Dahil ang Banal na Espritu ang gumagabay nito sa mga aral.
Dapat malaman ng karamihan na pagdating sa pag-uunawa tungkol sa MORALITY hindi dapat hayaang mananaig ang private o individual na pag-uunawa. Dahil bawal ang private interpretation (2 Pet 1:20;' Proverbs 3:5). Dahil divisive ang private interpretation at hindi biblical. Dapat mamulat ang karamihan na ang SUPREME COURT sa ating paniniwala ay ang Simbahan (Mateo 18:17-18; 1 Tim 3:15).
FINALLY: Dapat mamulat ang karamihan na kailangang susundin ang authority (mga aral) ng simbahan. At wag lang susundin o gagayahin ang mga maling GAWA ng mga namumuno nito (Mateo 23:1-3).
_______________
"Separation of Church and State Argument"
Mali kasing gawing equal o pantaypantay ang authority ng governo ng tao at governo ng Dios (simbahan). Kailangang sundin ang PROTOCOL of AUTHORITY. Kung sa isang state ang pinaka mataas na tungkulin ay ang Presidente. Ang mga sub heads niya ay ang mga secretaries sa ibat-ibang mga sector, generals, senators, congressmen, governors, mayors down to the barangay captains.. etc. At sa kaharian ng Dios of course ang Dios ang pinaka mataas. At dito sa mundo ang Pope ang Vicar of Christ (Mateo 16:19; Juan 21:15-17). Ngayon, sino ang dapat masunod pagdating sa MORALITY? Ang office o tungkulin ng Presidente o ang office ng Pope?
"Manghihina ba tayong mga faithful sa simbahan kung madami pa din ang sasalungat?"
Hindi naman bagohan itong ganito. Since sa simula ng simbahan, may kokuntra o sasalungat talaga sa kanya. Maging galing sa loob at labas ang sasalungat sa kanya. Basta tayong mga faithful sa magisterium, gaano tayo karami o kaliit. Ang importante wag tayong matakot. Talagang ipagpapatuloy natin ang ating adhikaing ito. We are not required by God to succeed in all of our endeavors. We are required only to TRY our very best and to be faithful. “We are not called to be successful, but faithful (Mother Teresa).”