"Kaya nga tinawag na mother harlots ang church mo dahil kahit paganismo acceptable sa church nyo."
Ito naman ang ating sagot kibo nito:
Sa aral katoliko bawal ang paganismo. Pero, tandaan, kung ang isang pagano ay pwedeng maging kristiano. Ganon din, ang isang pagano na gawain ay pwedeng bagohin at gawing kristiano. Halimbawa, ang mga pagano ay gumamit ng kandila sa kanilang mga ritual sa pagsamba sa kanilang mga dios-diosan. Ang paggamit ng kandila ay hindi masama kung itoy gagamitin ng tama. Halimbawa, kung ang kandila ay gagamitin bilang simbolo o bilang ilaw lang ito ay hindi masama. Kaya kung gamitin ang kandila bilang simbolo lang sa buhay ni Kristo o buhay kristiano ito ay hindi masama.
Isa pang halimbawa, ang tubig ginamit din ng mga pagano sa kanilang mga ritual. Hindi ibig sabihin na dahil ginamit ng mga pagano ang tubig ay hindi na natin pwedeng magamit ang tubig sa tamang paggamit nito. Tayong mga kristiano ay pwedeng makagamit ng tubig, halimbawa sa binyag, pwede din itong inomin at iba pa basta hindi lang ialay ito sa pagsamba sa mga dios-diosan.
Isa pa, ang sayaw, ang mga pagano noon ay sasayaw sa kanilang mga ritual sa pagsamba sa kanilang mga dios-diosan. Hindi ibig sabihin, na dahil sasayaw ang mga pagano, hindi na tayong mga kristiano pwedeng makasayaw. Bawal lang ang sayaw kung iaalay ito sa mga dios-diosan. Pero, kung iaalay ito sa tunay na Dios, o kayay kay Kristo, o sa mga santo bilang paggalang o pag-venerate sa kanila hindi ito masama. Pwede din tayong sasayaw bilang pag-ehersisyo o pag-celebrate lang sa mga party gatherings, basta hindi lang iaalay sa mga dios-diosan.