Ang katawagang personal ay naglalahad sa founder o kung sino ang nagmamay-ari sa iglesiang natatag. Ang descriptive na katawagan ay naglalahad ng kung ano ang mga katangian sa iglesiang natatag. Sa tanong kung alin po ba ang dapat na mas makilala ang mga kristiano ngayon, ay sa palagay ko, yong sinabi ng Panginoong Jesus sa Mark 11:17, na tatawagin o kilalanin itong, "...of ALL NATIONS,." Ibig sabihin, Universal o Catholic.
Ang Iglesia ni Cristo ng Bible at ang Iglesia Katolika Apostolika Romana ay iisang iglesia lang.
Hindi tayo tutol na ang personal na katawagan ng iglesia ay Iglesia ni Cristo (Rom16:16) o Iglesia ng Dios (ICor1:2). Binanggit yan ng mga Pari sa kanilang mga libro, ang personal na katawagan ng iglesia. Pero, ang iisang iglesia na ito, ay pwede din itong tatawagin sa kanyang mga DESCRIPTIVE na katawagan.
Halimbawa:
Iglesia ng mga Santo o Banal (I Corinto 14:33)
Iglesia ng Antioquia (Gawa 13:1)
Iglesia ng mga Cristiano (Gawa 11:26)
Sabi ng mga Ministro ng INC-1914, pinalitan daw ang personal na katawagan sa iglesia, ang Iglesia ni Cristo ng ibang katawagan. Ang ipinalit na katawagan daw, ay ang, Holy Catholic Apostolic Roman Church. Ang katawagang Catholic, ay ginawa ni Obispo Ignacio, noong 107-110 AD. Ang katawagang Apostolic, ay ginawa ng Council of Nicea, 325 AD. At ang katawagang Roman, ay nagawa ng Council of Trent , 1545 AD. At nabuo ito, sa Vatican Council, noong 1870 AD.
Ang Sagot nating mga Katoliko:
Hindi natin, pinalitan ang PERSONAL na KATAWAGAN ng iglesia, ang Iglesia ni Cristo (Roma 16:16) at ang Iglesia ng Dios (I Corinto 1:2). Dahil, ang katawagan na, Iglesia Katolika Apostolika Romana, ay hindi personal na katawagan ng iglesia. Nananatili itong, Iglesia ni Cristo at Iglesia ng Dios. Ang katunayan natin dito, ay ang mga binabanggit ng mga Pari natin, sa kanilang mga libro, na binasa at ginamit ng mga Ministro ng INC.
Sabi ng mga Ministro ng INC, kahit daw, ang libro ng mga Pari, ay nagsasabi na Iglesia ni Cristo ang personal na katawagan ng iglesia. So alam ng mga Ministro ng INC ito, na hindi pinalitan ng katoliko, ang personal na katawagan ng iglesia. Pero, bakit palagi nilang sasabihin, na pinalitan daw ito, ng Iglesia Katolica Apostolika Romana. Hindi pag-papalit ng katawagan ito, dahil, hindi ito mga personal na katawagan sa iglesia. Ang mga katawagang ito ay, DESCRIPTIVE, hindi personal. Dahil, pag sinabing mga descriptive na katawagan, ang ibig sabihin nito ay, ang mga KATANGIAN, sa tunay na iglesia. Katulad, halimbawa nito, ng tinawag ito ni Pablo sa I Corinto 14:33, na Iglesia ng mga Santo o Banal. Ang Banal o Santo dito, ay hindi katawagang personal, kundi, descriptive o katangian. At pag sinabi nating, katawagang personal, ang ibig sabihin nito, ay babanggitin ang katawagan na kung SINO ang FOUNDER o ang nagtatag sa iglesiang ito.
At ito ang tatandaan ng mabuti ng mga minamahal nating mga Ministro ng INC, na hindi po, kailanman, pinapalitan ng mga Paring Katoliko, ang personal na katawagan ng Founder. Nananatili itong Jesu Cristo, at hindi pinalitan ng Jesu Katoliko. Dahil hindi pangalan ng tao ang katawagang Catholic, kundi, adjective yan, na ibig sabihin, decriptive o katangian ng iglesia.
Kung tinawag man, ang iisang iglesiang ito, sa ibang katawagan, kagaya sa pagtawag nito ni Obispo Ignacio na, Catholic, noong 110 AD, ay hindi po ito bawal, basta totoo at nababagay naman ang ibig sabihin sa katawagang ito. Ang patunay natin sa Bible, na hindi bawal kung tatawagin ito sa ibang katawagang descriptive, ay ng tinawag ito ni Pablo sa I Corinto 14:33, na, Iglesia ng mga Santo. Tandaan, hindi po ito pagpalit ng katawagang personal ni Pablo sa iglesia, dahil, hindi katawagang personal ang, Iglesia ng mga Santo, kundi, katawagang descriptive ito. Kaya, ganoon din, ng tinawag ito ni Obispo Ignacio, isang martir na Kristiano, sa ibang katawagan, na ito ay, Iglesia Katolika din ang iisang Iglesia ni Cristo na ito. Ulit, hindi ito pagpapalit ng personal na katawagan ng iglesia, dahil, hindi katawagang personal ang Iglesia Katolika, kundi, katawagang descriptive o katangian ito. Na kaya tinawag din itong, Catholic o Universal, dahil para sa buong mundo po, ang tunay na Iglesia ni Cristo.
Ang mga libro ng mga Pari, na nagsasabi na Iglesia ni Cristo po ito, na palaging binabasa ng mga Ministro ng INC, ay hindi po ito, Iglesia ni Cristo ni kapatid na Felix Manalo, na nagsisimula noong 1914. Ang ibig sabihin ng mga Pari sa libro nila, na Iglesia ni Cristo, ay yong Iglesia ni Cristo, na sinimulan ni Cristo, noong 33 AD sa Jerusalem, hindi, 1914 sa Pilipinas. Ang ibig sabihin ng mga Pari, na Iglesia ni Cristo, ay wala pong iba, kundi, ay ito ding nag-iisang Iglesia Katolika.
Patunay: "...Only the Roman Catholic Church can be the True Church of Christ." (Dogmatic Theology for the Laity, by Rev. Matthias Premm, p. 300)
Inamin din ito ng mga Ministro ng INC, ng hindi pa daw ito tumatalikod, na itong Iglesia Katolika sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo. Patunay: "Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." Pasugo, Abril 1966, p. 46
Nang nabuo itong official na DESCRIPTIVE name noong 1870 sa Vatican Council, na ang totoong Iglesia ni Cristo, ay kikilalanin na din itong, Holy Catholic Apostolic Roman Church, ay segurado po tayo na may pahintulot po ito mula sa langit. Dahil ang tunay na iglesia ay may kapangyarihan sa pagbabawal at pagpapahintulot (Matthew 18:18).
Sabi ng mga Ministro ng INC sa mga Debate na nagaganap, kailangan daw na itong mga descriptive names ng iglesia, ang, Holy Catholic Apostolic Roman Church, ay mababasa lang sa isang talata ng Bible. Kaya, ito, ang paulit-ulit nilang itanong sa mga defensor katoliko, "Saan mababasa sa isang talata ng Bible, ang, "Holy Catholic Apostolic Roman Church?"
Itong tanong nilang ito, ay parang naghahanap ng wala sa isang lugar lang. Halimbawa, may isang taong naghahanap ng isang produkto sa isang tindahan lang. Dapat wag sa isang tindahan lang siya maghahanap, dahil baka wala doon ang produkto na hinahanap niya. Ang mga Ministro ng INC, alam nilang walang isang verseculo sa Bible na nakabasi sa tamang translation, na mababasa lahat ang sunod-sunod na ito. Ang, Holy Catholic Apostolic Roman Church. Pero, sa mga debate, itanong pa rin nila ito, para, seguradong hindi makakabigay ng isang talata sa Bible ang isang defensor katoliko na mababasa ito lahat, sa isang talata lang. Samantalang alam naman nila, na ang pananampalatayang Kristiano, ay hindi lang ito nakabasi sa isang talata lang. Kailangan nakabasi po ito sa buong Bible, ibig sabihin, hindi sa isang talata lang.
Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay may descriptive names o katawagan po ito, na nagsisilbing palatandaan. Dahil kapag walang palatandaan ito, katawagang Iglesia ni Cristo lang, mararami po ang madadaya nito. Katulad ito sa ating pera, hindi purke, tama ang nametag, maniniwala na po tayo agad. Titingnan sa muna natin ang mga palatandaan sa tunay na pera. Dahil ang fake na pera, alam naman nating lahat, na tama po ang nametag nito. Pero hindi ito makapasa sa pagkikilatis natin sa mga palatandaan sa tunay na pera. Kung sa nametag na Iglesia ni Cristo lang tayo babasi, madami na po ngayong mga samahan, ang gumamit nito. Pero magkakaiba ang mga aral nito. May Iglesia ni Cristo na nangangaral na Dios ang ating Panginoong Jesu Cristo. Pero itong Iglesia ni Cristo na nagsisimula ni kapatid na Felix Manalo, ay nangangaral na hindi daw Dios ang Panginoong Jesu Cristo. Kaya importante po na kilalanin natin ang tunay na Iglesia ni Cristo sa mga ibat-ibang descriptive o mga palatandaan nito. Dahil ang sabi po sa Jeremias 31:21, na lagyan daw ng mga palatandaan ang daan, para hindi tayo maliligaw. Alam naman natin na ang tunay na Iglesia ni Cristo ay kinikilala din itong the WAY, o DAAN (Gawa 24:14), kagaya ng ating Panginoong Jesus, ang principal na DAAN sa ating kaligtasan (Juan 14:6). Dahil instrumental o kasangkapan na daan po ang tunay na iglesia sa ating kaligtasan. Kung mayroon tayong hindi pagkakaisa, ang tunay na iglesia ang mag-dedesisyon (Mateo 18:17). Sabi sa Jeremias 31:21, lalagyan ng mga palatandaan ang daang ito para hindi tayo maililigaw sa mga kamalian.
Bakit may mga Palatandaan ang Tunay na Iglesia ni Cristo?
Ang ating Panginoong Jesu Kristo ay, DAAN, ng ating kaligtasan (Juan 14:6). Ang Iglesia o Simbahan na katawan niya, ay tinawag ding DAAN (Gawa 24:14).
Ang sabi sa aklat ng Jeremias 31:21, na lalagyan ng mga palatandaan ang DAAN. Nabubuo ang katuparan nito noong Vatican Council sa 1870, ng opisyal na naiihayag ang buong descriptive o palatandaan nito, na, Holy Catholic Apostolic Roman Church.
Bakit Holy o Santa ang tunay na Iglesia ni Cristo? Dahil, sinabi ito ni Pablo sa I Corinto 14:33.
Bakit Catholic ang tunay na Iglesia ni Cristo? Dahil, ito ang sabi ng Panginoong Jesu Cristo sa Mark 11:17, na tatawagin itong "...of all nations...," na ibig sabihin Universal o Catholic.
Bakit Apostolic ang tunay na Iglesia ni Cristo? Dahil, ang mga apostoles po ang unang mga kaanib nito (Efeso 2:20).
Bakit Roman ang tunay na Iglesia ni Cristo? Dahil, ang centro o ang pangkalahatang pamamahala nito ay una doon ito sa Jerusalem (Lukas 24:47) dahil doon ito nagsisimula. Pero, sabi ng Panginoon sa Mateo 21:43 (KJV), ililipat ito sa ibang lugar, na maka-bunga ng marami. Malayo daw sa Jerusalem ang lugar na ito (Gawa 2:39). Ang malayong lugar na ito, ay lugar ng mga Hentil (Gawa 22:21). Nilinaw ng Panginoon kung anong exact na lugar ito, ang Roma (Gawa 23:11). Roma, dahil, lugar ito ng mga Hentil, naayon sa sinabi sa Gawa 22:21, na lugar ito ng mga Hentil.
Paano natin maseseguro na ang Roma nga, ang katuparan sa hula ng Mateo 21:43 (KJV)?
Sagot: Kung natutupad nga sa Roma, ang sinabi sa talatang ito, na sa lugar na ito, bubunga ito ng marami. At ang Roma nga, dahil, sa Roma 1:6-8, nakabunga ng marami ang tunay na Iglesia ni Cristo doon sa lugar na ito, kahit na sa matitinding pang-uusig ng mga romanong pagano na pinangulohan ng mga paganong Emperador.
Logic-A:
Premise-1 Ang tunay na iisang iglesia, ay tinawag na, Iglesia ni Cristo (Roma 16:16).
Premise-2 Ang tunay na iisang iglesia, ay tinawag na, Iglesia ng mga Santo (I Corinto 14:33).
Premise-3 Ang tunay na iisang iglesia, ayon kay Cristo, ay tatawagin itong, "...of all nations..." (Mark 11:17 KJV) Note: Catholic means, Universal, tumpak sa pahayag ng talatang ito, ang, of all nations, o para sa lahat ng mundo.
Conclusion based on the 3 premises above: Ang tunay na iisang iglesia, ay tatawaging, Iglesia ni Cristo, Iglesia ng mga Santo at Iglesia Universal o Katolika.
Logic-B:
Premise-1 Ang Iglesia ni Cristo tinawag na Catholic noong 110 AD.
Premise-2 Ang Iglesia ni Cristo tinawag na Apostolic noong 325 AD.
Premise-3 Ang Iglesia ni Cristo tinawag na Roman noong 1545 AD.
Premise-4 Ang Iglesia ni Cristo tinawag na Holy Catholic Apostolic Roman Church noong 1870 AD.
Conclusion: Ang Iglesia ni Cristo at Ang Holy Catholic Apostolic Roman Church ay iisang iglesia lang.
Dahil katulad ni Jacob ng old covenant, tinawag siya ng Dios sa ibang katawagan na Israel. Ay hindi po naging dalawang magkaibang tao sa Jacob at Israel, iisa lang. Si Simon tinawag na Pedro ng Panginoon, hindi naging magkaibang tao si Simon at Pedro, iisa lang. Si Saul tinawag na Pablo ng Panginoon, hindi po naging dalawang magkaibang tao si Saul at Pablo, iisa lang. Ako pangalan ko, Cielbert, Bobby at veritas899, hindi po ako tatlong magkaibang tao, iisa lang ako.
So kahit na padamihin pa ang pangalan ng tao, o sa isang samahan o iglesia, basta iisa lang ang pinangalanan sa iba-ibang katawagan nito, ay talagang hindi po ito dadami, talagang iisa lang ito.
Si Pablo ng Bible, ay ganon din ang pagtawag niya sa iisang iglesia ng Panginoon, pa-ibaiba ang pagtawag niya. Tinawag niya ng Iglesia ni cristo sa Roma 16:16. Tinawag din niya ito ng Iglesia ng Dios sa I Corinto 1:2. Tinawag din niya, ng, Iglesia ng mga Santo sa I Corinto 14:33. So, ang isang Obispo pala, katulad ni apostol Pablo, ay pweding makatawag nito sa ibang katawagan, sa iisang iglesia ng Panginoon. Hindi po ito bawal. Kaya ng isa sa mga naging Obispo nito, na si Obispo Ignacio, na naging dicipulo ni apostol Juan, ng tinawag niya itong Catholic, ay hindi po ito bawal basta naaayon lang ang ibig sabihin nito. At kung ating iisipin, parang, katuparan lang ang ginawa ni Obispo Ignacio, sa sinabi ng Panginoon sa Mark 11:17 na tatawagin itong, OF ALL NATIONS. Na ang ibig sabihin, UNIVERSAL o CATHOLIC.
By veritas899