Bakit sinabi ni Bro. Bienvenido Santiago isang ministro ng INC sa videong ito na HINDI isang CORPORATION ang INC, samantalang sa rehistro nila, may mabasa tayong, "UNIPERSONAL CORPORATION" daw ang INC nila?
Tanong: Bakit magkakamali ang Supreme Court ng Mundo?
Sagot: Dahil, ang gabay ng Supreme Court ng mundo ay isang Tao din, na maaaring magkakamali. Kaya nga, ang Abortion, Contraception, Divorce at Same-Sex Marriage ay maaring makakapasa o makakapanaig sa mga Supreme Court ng mundo. Ang decisyon ng tao, ay maaring maimpluwensyahan ng demonyo. Dahil, ang tao ay mahihina at ang daling madadaya ng mga maling akala. At may hula ng Bibliya, na nagsasabi na may mga panahon sa hinaharap na ang demonyo ang parang nagdumina o nakahawak ng buong mundo (Revelation 12:9). At ang hula na ito ng Bibliya, ay talagang nagkakatotoo. Tanong: Bakit naman sinasabi ng Simbahang Katoliko, na ang Supreme Court ng simbahan, ang Magisterium, ay hindi maaaring magkakamali sa mga OFFICIAL niyang decisyon o mga hatol niya pagdating sa Faith at Morals? Bakit yan ang posisyon ng simbahan na alam naman niya na ang mga bumubuo ng Magisterium ay mga tao din, na maaaring magkakamali? Sagot: Alam ng Panginoong Jesus, na ang mga isinugo niyang mga apostol, ay maaring magkakamali sa kanilang mga pag-iisip, dahil mga tao din sila. Alam ng Panginoon, na kapag ipa-uubaya lang niya ang pamamahala ng simbahan sa mga makataong pag-iisip ay talagang magkakamali ang mga ito. Kaya nga, ang mga kaparian, mga obispo at kahit na ang mga Santo Papa, ay maaring magkakasala at makakapangaral ng mali sa personal nilang pag-iisip. Sabi ng Panginoon sa aklat ng San Lukas 10:16, na kung makikinig daw tayo sa kanyang simbahan, ay para na ring nakikinig tayo sa kanya. At sa aklat ni Mateo 18:17, ang tunay na simbahan daw ay ang FINAL ARBITER pagdating sa pag-dedecisyon. At sabi din ni San Pablo sa sulat niya noon sa 1 Timoteo 3:15, ang tunay na simbahan daw ay “Pillar at Foundation of Truth.” Malinaw, ang mga talata ng Bibliya na ito, na ang tunay na simbahan pala ng Panginoon ay “Infallible” o hindi magkakamali sa mga OPISYAL niyang mga ARAL at mga DECISYON. Hindi magkakamali ang Simbahan (MAGISTERIUM), hindi dahil, sa makataong kapangyarihan niya. Dahil, sa nasabi na natin sa itaas, ay talagang magkakamali ang tao. Hindi magkakamali ang simbahan, ay dahil na mismo sa sinabi ng Panginoon. Sabi ng Panginoon, alam kong magkakamali kayo, kung hayaan ko lang kayo, na ang mga makataong kapangyarihan lang ninyo ang gagabay at magpapalakad sa simbahan ko. Alam kong mahihina kayo, kung hahayaan ko lang kayo, na kayo lang ang magpapalakad sa simbahan ko, na walang gagabay sa inyo na MAKAPANGYARIHAN at HINDI MAGKAKAMALI. Kaya, sabi ko sa aklat ni Juan 14:16-17; 16:13, hihingi ako sa Ama at bibigyan niya kayo ng GABAY na makasama ninyo sa lahat ng panahon, at gagabay sa inyo sa lahat ng mga itinuturo ko sa inyo, para hindi kayo maaring magkakamali (infallible), siya ang ESPIRITU ng KATOTOHANAN. CONCLUSION: Magkakamali ang Supreme Court ng Mundo, dahil ang GABAY niya ay Tao din. !!! Hindi magkakamali ang Supreme Court ng Simbahan (MAGISTERIUM), dahil ang GABAY niya ay HINDI TAO, kundi, ang Espiritu Santo. __________ John 20:19-23 New International Version (NIV) Jesus Appears to His Disciples 19 On the evening of that first day of the week, when the disciples were together, with the doors locked for fear of the Jewish leaders, Jesus came and stood among them and said, “Peace be with you!” 20 After he said this, he showed them his hands and side. The disciples were overjoyed when they saw the Lord. 21 Again Jesus said, “Peace be with you! As the Father has sent me, I am sending you.” 22 And with that he breathed on them and said, “Receive the Holy Spirit. 23 If you forgive anyone’s sins, their sins are forgiven; if you do not forgive them, they are not forgiven.” __________ NOTE: "The key to Christian Unity, is to Trust the Holy Spirit to guide and protect the Magisterium of the Church (Supreme Court of the Church). Meaning, failure to a accept it as a rule of faith, shall mean, DISUNITY among Christians." __________ Ano ang ibig sabihin ng salitang Magisterium? Ang magisterium ay galing sa salitang Latin, na "MAGISTER," na ang ibig sabihin ay TEACHER O GURO. Ang ibig sabihin ng salitang MAGISTERIUM, ay THE TEACHING CHURCH, O SAMAHAN NG MGA GURO. Ang unang samahan ng mga guro (magisterium), ay ang mga apostol, na pinadala noon ng Panginoong Jesucristo (John 20:19-23). Si Pedro ang Chief o Head sa kanilang lahat (Mateo 16:19; Juan 21:15-17; Mateo 23:11; Psalms 79:13; Jeremiah 25:34). |
AuthorI'm a Cebuano Visaya Roman Catholic Faith Apologist. Categories |