INC-1914 AD: One God in 1 PERSON (Unitarian)
RCC-0033 AD: One God in 3 PERSONS (Trinitarian)
Sino ang Tama sa dalawa?
Genesis 1:26 New International Version (NIV)
26 Then God said, “Let us make mankind in our image, in our likeness, so that they may rule over the fish in the sea and the birds in the sky, over the livestock and all the wild animals, and over all the creatures that move along the ground.”
Sabi ng INC sa talatang ito, mga anghel daw ang kasama ng Dios Ama, sa paglalang niya sa tao. Totoo kaya ito?
Tandaan, isa ito sa mga talata ng bibliya, ang ginamit nating mga katoliko, na hindi iisa lang ang PERSONA sa iisang Dios. Dahil, ang sinabi ng Dios, sa talatang ito, "Let US make mankind..." Ibig sabihin, may KASAMA siya na isa ding CREATOR, na katulad niya.
Maaring sa panahong ito may mga anghel na. Pero, ang tanong, mga anghel ba ang kasama ng Dios, sa paggawa niya sa tao o sa mundo? Take note: Ang kasama ng Dios dito, sa talatang ito, nagpahiwatig na isa ding CREATOR. Ang anghel ba ay creator? Hindi, ang Dios lang ang CREATOR. Kaya, hindi ang mga anghel ang tinutumbok ng Dios sa talatang ito, na mga kasamahan niya sa paglalang niya sa tao o sa mundo.
Kung hindi ang mga anghel, sino, o sino-sino ang tinutumbok ng Dios Ama, na mga kasamahan niya sa paglalang, sa talatang ito?
Hindi ang mga anghel, dahil, hindi sila mga creator. Ang Dios lang ang creator. Ang sabi sa talata, "Let US make mankind," ibig sabihin, isa ding creator o mga creator ang kasama ng Dios dito. Malinaw sa talatang ito, na hindi lang iisa, ang persona, sa iisang Dios. Dahil, ang mga kasamahan niya dito, ay creator o mga creator din. Ibig sabihin, Dios din ang kasama ng Dios dito. Sino o sino-sino sila?
John 1:1-3 Living Bible (TLB)
1-2 Before anything else existed, there was Christ (the Word), with God. He has always been alive and is himself God. 3 He created everything there is—nothing exists that he didn’t make. {Creator}
Job 33:4 Living Bible (TLB)
4 For the Spirit of God has made me, and the breath of the Almighty gives me life. {Creator}
Conclusion:
Ang kasama ng Dios Ama, na Dios din, dahil, creator din. Ay wala pong iba kundi, Christ and the Holy Spirit. So tama pala, ang aral katoliko, na sa iisang Dios, may TATLONG PERSONA. Ama, Anak at Espiritu Santo.
Ang 3, ay ang Ama, Anak at Espiritu na binanggit din sa pagbautismo (Mat 28:19).
Tanong:
May mabasa bang Trinity sa loob ng bibliya?
Walang salitang Trinity sa loob ng bibliya. Subalit ang salitang ito ay ginamit sa pagtawag sa aral na pinahiwatig sa loob ng bibliya ang iisang Dios sa 3 persona. Katulad sa salitang MONOTHEISM. Hindi ito mababasa sa loob ng bibliya. Maaring mabasa ang salitang MONO at THEOS sa greek pero, kung gawing iisang salita ito, na MONOTHEISM ay hindi po ito matatagpuan sa loob ng bibliya. Pero ginamit ang salitang ito sa pagtawag sa paniwalang iisa lang ang Dios na mababasa sa bibliya. Kaya, ang salitang TRINITY at MONOTHEISM parehong wala ito sa loob ng bibliya. Pero ang unawa sa dalawang ito ay nasa loob ng bibliya.
__________
Nang sinabi ba ng bibliya, na wala ng katulad na Dios, ang Ama. Kabilang ba ang ating Panginoong Jesu Cristo nito na hindi katulad sa Ama, na Dios?
Hindi kabilang si Cristo ang tinutumbok nito na hindi katulad sa Ama na Dios. Dahil, malinaw ang tinutumbok ng bibliya, kung sino-sino ang mga hindi katulad sa Ama na iisang Dios (Creator). Ang mga dios-dios o mga false gods ang tinutumbok nito. Sila ang hindi katulad sa Ama na Dios. At tayo ding mga anak ng Dios na tinawag ding gods (Psalms 82:6) kabilang din tayo na hindi matulad sa pagka-iisang Dios (Creator) sa Ama.
Patunay:
Psalm 86:8 New International Version (NIV)
8 Among the gods there is none like you, Lord;
no deeds can compare with yours.
Pero, ang pagka-Dios ni Cristo na iisa sa pagka-Dios ng Ama, ay MAGKAKATULAD.
Patunay:
John 1:1-2 Living Bible (TLB)
1-2 Before anything else existed, there was Christ (the Word), with God. He has always been alive and is himself God.
John 1:18 Good News Translation (GNT)
18 No one has ever seen God. The only Son, who is the same as God and is at the Father's side, he has made him known.
_______________
Sabi ng INC, hindi daw Dios ang Panginoong Jesus Cristo. Dahil daw, sabi ni Cristo, sa Juan 17:1-3, na ang Ama LANG daw ang tunay na Dios.
Ang ating kibo o sagot naman niyan ay ganito:
Tandaan, hindi sinabi ni Cristo sa mga talatang Juan 17:1-3, na hindi siya Dios, ng dahil lang na sinabi niya, na ang Ama lang ang tunay na Dios. Dagdag na sa pag-iisip ng tao, kung sasabihin niya, na, "hindi Dios si Cristo," ng dahil lang na sinabi niya na ang Ama lang ang tunay na Dios. Dahil, malinaw na walang ganong unawa ang mga apostol noon na ganyan. Hindi talaga mababasa sa loob ng bibliya, na "hindi Dios si Cristo." Sa Pasugo magazine lang ng INC, mababasa na hindi Dios si Cristo. Sa bibliya, ay walang ganon na sinabi. Hindi kailanman maging tama ang unawang INC sa mga talatang ito. Dahil kung tama ang unawa nila nito, ibig sabihin sasalungatin nila ang ibang mga talata ng bibliya na nagsasabing Dios ang Panginoong Jesu Cristo letra por letra.
Isa pa sa dapat nating isaisip kung ganyan ang pahayag. Sa Lukas 18:19, sabi ni Cristo, "bakit nasabi ninyo na ako ay MABUTI." Ang Amang Dios LANG ang mabuti. Ngayon, kung ating gamitin ang unawa na INC sa pahayag ni Cristo sa talatang ito, ibig ba sabihin ni Cristo, na hindi siya talaga mabubuti? Ng dahil lang na nasabi niya na ang Ama lang niya ang mabuti? Ang ibig ba niyang sabihin na isa siyang masasama, dahil, ang Ama lang ang mabuti?
Isa sa mga KATANGIAN ng isang tunay na mabututing tao, ay yong HUMILITY o MAPAKUMBABANG ugali niya.
May mga pagkakataon, na hindi masama ang hindi pagsasabi ng tunay na kalagayan ng isang tao, kung nanaig sa ugali niya ang pagpakumbaba. Halimbawa, may isang magagandang babae. Pero, ng dahil sa mapakumbabang ugali niya, hindi kailanman sinabi niya na isa siyang maganda. Ang sabi pa niya, si Mother Mary LANG ang magaganda. Ngayon, ang sinabi ba ng mapakumbabang babaeng ito, ay dapat ba nating intindihin na isa siyang sinungaling? Dahil, totoo naman talagang isa siyang maganda? O ang tamang pag-uunawa ba nito, ay pinapakita lang niya ang ugaling kristiano, na isang mapakumbaba?
Sa 1 Corinto 8:6, ang sabi, si Cristo ang ONE LORD o iisang Panginoon. Ngayon, kung intinding INC ang ating gagamitin sa pag-uunawa nito, ibig ba sabihin nito, ay HINDI LORD o PANGINOON ang Dios Ama, dahil, ang sabi, si Cristo LANG (iisa) ang LORD o Panginoon?
Sabi ng Bibliya, si Cristo ay Dios na nagkatawang tao:
John 1:1-2 Living Bible (TLB)
1-2 Before anything else existed, there was Christ (the Word), with God. He has always been alive and is himself God.
John 1:14 Living Bible (TLB)
14 And Christ (the Word) became a human being and lived here on earth among us and was full of loving forgiveness and truth. And some of us have seen his glory—the glory of the only Son of the heavenly Father!
John 1:18 Good News Translation (GNT)
18 No one has ever seen God. The only Son, who is the same as God and is at the Father's side, he has made him known.
1 John 5:20 New International Version (NIV)
20 We know also that the Son of God has come and has given us understanding, so that we may know him who is true. And we are in him who is true by being in his Son Jesus Christ. He is the true God and eternal life.
1 John 5:20 Revised Standard Version (RSV)
20 And we know that the Son of God has come and has given us understanding, to know him who is true; and we are in him who is true, in his Son Jesus Christ. This is the true God and eternal life.
Tanong: Maging dalawa ba ang Dios kung sasabihin nating Dios ang Ama at ang Anak?
Sagot: Hindi. Dahil, ang sabi ni Cristo, "I and my Father are ONE" (John 10:30). Ibig sabihin batay sa unawang katoliko nito, ang Ama at Anak ay iisa lang sa pagka Dios at sa pangangalaga ng mga tupa.
At kung matanggap ng tao na iisa lang ang pagka Dios ng Ama at Anak. Hindi din mahirap tanggapin kung isama na ang Espiritu Santo sa pagka iisang Dios nila. (Note: Magkaiba ang PERSONA nilang 3 at hindi iisa. Sa pagka Dios at pangangalaga ng tupa lang sila iisa o nagkakaisa.)
At ang pinaka malinaw na talata ng bibliya, na nagpapahiwatig na hindi lang iisa ang pesona sa iisang Dios. Ay ng sinabi ng Dios na, "likhain NATIN ang tao sa ATING kawangis" (Gen 1:26). At malinaw na 3 (Trinity) ito, Ama, Anak at Espiritu (John 1:1,14; Mateo 28:19).
________________
Wala bang pre-existence si Cristo bago siya nagkatawang tao?
John 8:58 New International Version (NIV)
58 “Very truly I tell you,” Jesus answered, “before Abraham was born, I am!”
Kung hindi Dios si Cristo, ano ang kalagayan niya, before Abraham?
Sabi ng INC: "Hindi pa existido ang kalagayan ni Cristo, before Abraham. Dahil, hindi pa existido ang persona niya. Naging existido lang ang persona niya na tao ng ipinanganak na siya sa bagong tipan. Kaya, before Abraham, PLANO lang ang kalagayan ni Cristo, at hindi pa siya existido bilang Dios."
Sagot Katoliko: Hindi mabasa sa bibliya na before Abraham PLANO lang sa kalagayan si Cristo. Persona niya mismo existido na. Malinaw, "before Abraham was born, I AM." I am, means existido na ang persona. Pero, ang pagka-Tao na kalagayan, yes plano, dahil, before Abraham, hindi pa nagkatawang tao ang persona ni Cristo. Malinaw, na ang kalagayan ng persona (I AM) before Abraham ni Cristo ay, DIOS, KASAMA NG AMA (John 1:1-2).
_______________
INC: Tatlo ang Dios ninyong mga katoliko hindi iisa.
RCC: Pagsinabing 3, ang tinukoy niyan ay ang PERSONA. Malinaw naman na magkaiba ang tatlong persona. Pagsinabi namang iisa, ang tinukoy naman ay ang divine nature sa tatlo. Iisa lang ang divine nature sa tatlo. Sa ibang salita, iisa lang ang pagka Dios ng Ama at Anak. Pinahiwatig naman iyan ni Cristo ng sinabi niya na, "I and my Father are ONE" (John 10:30). Malinaw naman kung ano ibig niyang ipahiwatig sa sinabi niyang iyan. Na iisa lang sila sa pagka Dios at sa pangangalaga ng mga tupa.
Sa totoo lang walang kahit na isang verse ng bible na ating mababasa letra por letra na nagsasabi na "hindi Dios si Cristo." Sa Pasugo Magazine lang iyan mababasa. Leading to the conclusion that hindi pareho ang kabuoang pinapangaral ng Pasugo at ng Bibliya.
Dahil kung lahat na aral ng INC ay nasusulat sa bibliya. Bakit kailangan pa ng Pasugo Magazine. Malinaw iyan na kailangan pa ang paglathala ng Pasugo para masulat ang gustong ipangaral ng INC na wala sa bibliya. Halimbawa, ang aral na isang "last messenger si ka Felix Manalo." Hindi iyan mababasa sa bibliya. Dahil sa Pasugo Magazine lang iyan mababasa. Ganon din ang aral na "si Cristo ay hindi Dios." Hindi iyan mababasa sa bibliya. Sa Pasugo Magazine lang iyan mababasa.
________________
INC: Ang Diyos o ang tunay na Diyos na ang Ama ay alam lahat ng bagay! Si Cristo po ba ay alam lahat ng bagay?
RCC: Alam ni Cristo ang lahat bilang isang Dios (John 21:17). At dahil nagkatawang tao siya. Ibig sabihin sa pagkatao niya maaring sabihin niyang hindi niya alam ang lahat. Dahil yan ang isa sa nature ng isang tao, ang hindi alam ang lahat. Dahil paano natin masabi na tunay siyang tao kung wala siyang nature na tao katulad sa hindi pagkaalam ng lahat. Pero dahil sabi ng bibliya Dios siya na nagkatawang tao (John 1:1,14). Ibig sabihin may nature o kalikasan din siyang hawak lang ng isang Dios. Yon na bilang Dios, alam niya ang lahat (John 21:17).
_______________
INC: Ang Diyos o ang tunay na Diyos po ba ay isinugo?
RCC: Yan ang beauty sa ating Christian Faith. Dios natin sa persona ng Anak ay maaring magpakumbaba (Phil 2:5-8). Ibig sabihin kahit na Dios siya magawa niyang magpaka baba o magpaka sugo. Yan naman ang sinabi ni apostol Pablo na si Cristo ay Dios. Pero, kahit na Dios siya pero hindi niya ito inilantad sa publiko ang pagka Dios niya. Naka focus lang siya sa kalikasan niyang sugo o kalikasan niyang nasa ibaba ng Dios Ama ang pagiging tao niya. Dahil malinaw naman na ang kalikasang tao at pagiging anak niya talaga namang nasa baba lang ito sa authority ng Ama. Ibig sabihin mas dakila ang Ama sa kalikasang Dios kay sa Anak na nagpakumbaba bilang tao (John 14:28). Pero sa kalikasang Dios naman dahil iisa lang sila ibig sabihin naman pantay lang sila. Diyan makapasok ang doktrina sa Trinity ang pagiging pantay sa tatlong persona. Pantay sila sa kalikasang Dios dahil iisa lang sila. Pero, kung itukoy ang pagkatao at pagka anak ni Cristo syempre nasa ibaba naman ito ng Ama. Sa family kasi mas dakila ang Ama kay sa Anak. Pero, iba pagdating sa kalikasang Dios nila na iisa. Pantay lang sila dahil iisa (John 10:30).
Philippians 2:5-8 New International Version (NIV)
5 In your relationships with one another, have the same mindset as Christ Jesus:
6 Who, being in very nature God,
did not consider equality with God something to be used to his own advantage;
7 rather, he made himself nothing
by taking the very nature of a servant,
being made in human likeness.
8 And being found in appearance as a man,
he humbled himself
by becoming obedient to death--
even death on a cross!
_______________
INC: Ang Diyos o ang tunay na Diyos po ba ay nakaranas ng kamatayan o namatay?
RCC: Sa kalikasang Dios ni Cristo hindi siya namamatay. Pero dahil nagkatawang tao siya. Ibig sabihin, may kalikasang namamatay naman siya. Ang kalikasang pagkatao niya ang namamatay. Pero hindi siya namamatay bilang Dios. Namamatay lang siya bilang tao. Wala namang mababasa sa bibliya na nagsasabi na namamatay si Cristo bilang Dios. Malinaw naman na namamatay lang siya ng nagkatawang tao na siya.
_______________
INC: Ang Diyos o ang tunay na Diyos po ba ay may laman at mga buto?
RCC: Bilang Dios walang lamat at buto si Cristo. Pero ng nagkatawang tao na siya syempre may laman at buto na siya.
________________
INC: Ang Diyos o ang tunay na Diyos po ba ay may diniDios na iba? At si Cristo po ba ay may kinikilalang Diyos?
RCC: Bilang anak at tao, dahil inferior o nasa mababang kalagayan ito kung ikumpara sa pagka Dios ng Ama. Ang mababang kalagayan ni Cristo ang pagka Anak at Tao. Ay dapat kumikilala o aasa siya sa Amang Dios. Pero, dahil iisa lang ang kalikasan niyang Dios sa Ama at magkapantay. Ibig sabihin, lahat ng tao sasamba naman sa kanya bilang Dios.
________________
INC: Ang Diyos o ang tunay na Diyos po ba ay ipininako sa krus?
RCC: Hindi mapapako sa krus ang kalikasang Dios ni Cristo dahil Espiritu ito walang laman at buto. Ang napako sa kanya ay ang pagkatao niya na may laman at buto.
_______________
INC: Ang Diyos o ang tunay na Diyos po ba ay nakikita?
RCC: Ang Dios na Espiritu ay talagang hindi nakikita. Maliban nalang kung magpapakita siya sa anyong tao o anyong anghel. Dahil makapangyarihan siya. Si Cristo bilang Dios, ng hindi pa siya nagkatawang tao ay talagang hindi siya nakikita. Pero, ng nagkatawang tao na, syempre, may nakikita na siyang kalikasan ang pagkatao niya. Pero ang pagka Dios niya ay hindi ito nakikita dahil espiritu itong walang laman at buto. Ang kalikasang pagka tao lang talaga ang nakikita sa kanya na may laman at buto.
_______________
INC: May Diyos o ang tunay na Diyos po ba ay binigyan ng kapangyarihan o kailangan pang bigyan ng kapangyarihan?
RCC: Si Cristo bilang Dios na iisa sa Ama hindi na siya kailangang bibigyan ng kapangyarihan. Dahil iisa kasi. Pagsinabing iisa ang pagka Dios nila. Ibig sabihin they have common ownership sa kapangyarihan. Si Cristo bilang Dios na iisa sa paka Dios ng Ama, nagbibigay siya ng kapangyarihan sa iba o sa mga tao. Pero, dahil nagpakumbaba siya, bilang tao. Ibig sabihin may likas na siyang inferior o mababa sa Dios Ama. Kaya ang pagka Dios niya na iisa sa Ama ito ang nagbigay kapangyarihan sa kanyang mababang kalikasan ang pagkatao niya.
_______________
INC: Ang Dios ba ay isang tao?
RCC: Ang Dios ay hindi tao. Sa matandang tipan, ng hindi pa nagkatawang tao si Cristo. Dios lang ang kalikasan niya at wala pa siyang tao na kalikasan. Pero, ng nagkatawang tao na siya. Syempre may tao na siyang kalikasan.
Pero, ito ang dapat tatandaan. Ang Dios ay hindi tao. Kaya ang tao na ordinaryo katulad ko. Ay hindi pwedeng magpaka Dios. Dahil tao lang ako. Katulad ng Prinsipe sa Tiro sa matandang tipan. Tao lang siya sa kalagayan pero nagpaka Dios siya (Ezekiel 28:2). Kaya nagkamali ang Prinsipe sa Tiro dahil nagpaka Dios siya na hindi naman talaga Dios ang kalagayan niya. Dahil tao lang siya.
Pero si Cristo ay iba siya. Hindi siya ordinaryong tao na nagpaka Dios. Siya ay Dios na nagkatawang tao (John 1:1,14). Ang tao na ordinaryo, na katulad ko at sa inyo ay hindi pwedeng magpaka Dios. Dahil tao lang ang kalikasan natin. Pero, si Cristo iba siya dahil, hindi siya ordinaryong tao na nagpanggap lang na Dios. Siya ay Dios na nagkatawang tao. Kaya dalawa ang kalikasan niya. Dios siya na nagkatawang tao. Kaya Dios siya at tao.
Kaya, ito ang katotohanan. Ang tao na ordinaryo na katulad ko ay hindi pwedeng magpaka Dios. Pero ang Dios dahil makapangyarihan, pwede siyang magpaka tao o magkatawang tao. Yan ang nangyayari sa ikalawang persona ng Dios. Si Cristo na isang Dios, na nagkatawang tao (John 1:1,14).